Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, January 12, 2011

Melissa Ricks niregaluhan ng mamahaling relo ni Jake

Noong Linggo ng gabi ay isang surprise birthday party ang inihanda ng pamil­ya at kaibigan ni Melissa Ricks para sa kanya. Dinaluhan ito ng ilang malalapit na kaibigan ni Melissa sa loob at labas ng showbiz. Isang mamahaling relo raw ang ibinigay ni Jake Cuenca bilang birthday gift kay Melissa. “Binigyan niya ako ng watch, kasi lagi raw akong stressed. Ganyan lang siya. He’s very generous in giving me gifts. Ang sa akin, naaalala niya ako, nag-e-effort siyang pumunta sa mall and bumili, dun ‘yung point sa akin. Sobrang thoughtful talaga niya hindi lang sa gifts, in every way, sobrang bait niya sa akin,” pahayag ni Melissa.

Naroon din sa party ang daddy niyang si Kelly Eugene Ricks, Jr., boto kaya ito kay Jake for her? “That’s up to Melissa, that’s Melissa’s choice. But he seems like a real gentleman, and at this point I have no problem with Jake,” pahayag naman ni Daddy Kelly.

Ano nga ba ang tunay na estado ng relasyon nina Melissa at Jake ngayon? “Sobrang saya ako, ‘di lang dahil kay Jake, everything is going well, and I’m thankful na pinasasaya ako ni Jake kapag I’m down, and kapag kailangan ko siya lagi siyang nandoon sa akin,” makahulugang pagtatapos pa ni Melissa.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES