Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, January 13, 2011

Mom is home, no more pain — KC Concepcion

Dinala sa Emergncy Room ng St. Luke’s sa The Fort si Sharon Cuneta pagkatapos ng taping ng birthday concert niya noong Tuesday.

Inilabas siya ng Araneta Coliseum gamit ang wheelchair kasama ang asawang si Sen. Kiko Pangilinan.

Nai-tweet ni KC Concepcion na nakaramdam ng pananakit ng leeg at likod si Sharon at nahilo pa, kaya kinailangang dalhin sa ospital.

Pero tinapos muna nito ang show, kaya marami ang bumilib sa pagiging professional ni Mega.

Bago ’yon, sa gitna ng kanyang show, natumba si Sharon sa hindi malamang dahilan.

Ito ’yung rock medley number niya with Ramon Jacinto and Billy Crawford at nakunan ng picture at naka-post sa PEP na tinulungan siyang itayo ni Billy at ginawa pa nitong joke ang nangyari sa kanya.

Nag-update ng tweet si KC at sabi nito, “Mom is home, no more pain. All is clear, exhaustion lang.”

Samantala, naipasa naman ng kasamahang si Ate Nora Calderon ang text message ni Mega bandang alas-kuwatro kahapon ng umaga para sa lahat ng mga nag-alala sa kalagayan niya.

Ito ang nilalaman ng mensahe ni Sharon: “FYI lang. Kakauwi ko lang. Pakisabi sa onliners na ’di kasi ako kumain, lunch lang sandwich. Tapos, nahilo ako, pinawisan malamig kaya ’di na ako nakapagkamayan sa fans aftr the show, sinabi ko kay KC agad nu’ng pababa kami stage I wsnt feeling well na.

“Nag-high blood ako, sabi ng doctor sa Araneta, punta ako e.r. Sa St. Luke’s sa fort ako.

“Nag-high BP, blood sugar, ecg, x-ray. Gusto ako paconfine pero umokay na aftr a while so umuwi ako ksi sick na sick din si miguel, nag-asthma attack.

“Khapon taas lagnat nya ubo sipon pa. Ayoko iwan. Pls pray for me. Still dizzy and cold. Thanks so much. Will send also to othrs. Luv u.”

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES