Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, January 16, 2011

Sarah Geronimo to take up dance and voice lessons in America

SA pakikipagtsikahan namin kay Sarah Geronimo last Friday for her concert with Martin Nieverra on Feb. 12, 8 p.m., sa Araneta Coliseum, ay nalaman namin na may balak pala ang singer-actress na mag-aral ng dancing at voice sa Amerika.

“Gusto ko talagang karirin ang profession ko bilang artist kaya nagpaplano akong mag-aral sa Los Angeles this year,” pahayag ni Sarah.

Sa April ay magkakaroon muna ng concert tour sa Europe si Sarah and after that, do’n niya aayusin ang kanyang schedule para sa plano niyang pagkuha ng voice and dancing lesson sa U.S.

Eh, bakit ba kailangan pa niyang mag-aral ng voice at dancing?

“Gusto ko pang lalong gumaling. Gusto ko ring matuto pa ng ibang technique sa pagsayaw at pagkanta.

Sa dancing, gustong matutunan ni Sarah ang jazz kaya pursigudo raw siyang ituloy ang kanyang plano.

Meanwhile, excited na si Sarah sa concert nila ni Martin billed as What Love Is sa Araneta Coliseum on Feb. 12 under the musical direction of Louie Ocampo, stage direction of Rowell Santiago and produced by Viva Concerts.

Hindi naman kinumpirma ni Sarah kung magiging special guests sa concert ang dalawang leading man niya sa movie ngayon na sina Matteo Guidicelli and Gerald Anderson.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES