Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, January 15, 2011

Venus Raj and Binibining Pilipinas now on ABS-CBN

Ang pinakaprestihiyosong beauty pageant at ang kasalukuyang “pinakamagandang babae” sa bansa ay mapapanood na sa pinakamalaki at nangungunang media organization sa Pilipinas, ang ABS-CBN.

Pumirma kahapon (Jan. 14) ang Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) ng limang taong kontrata sa ABS-CBN para sa pagpapalabas ng beauty pageant habang inanunsyo naman ang pagpasok ni 2010 Miss Universe Runner-up Maria Venus Raj bilang pinakabonggang Kapamilya artist.

Present sa contract signing sina ABS-CBN President and COO Charo Santos-Concio, ABS-CBN channel head Cory Vidanes at ABS-CBN head of TV entertainment na si Linggit Tan para pormal na salubungin ang mga bagong Kapamilya sa pangunguna ni BPCI Chairperson Stella Marquez-Araneta.

Hindi maitago ang galak ni Venus Raj, na napanood na sa mga ABS-CBN shows at events tulad ng ABS-CBN Christmas Special at Showtime, ang kanyang pagsabak sa showbiz sa ABS-CBN.

“I’m extremely honored to become part of the country’s biggest network. I’m proud to be a Kapamilya,” aniya

Kaugnay naman ng pagtutulungang ito, sa ABS-CBN na mapapanood ang pinakahihintay na 2011 Binibining Pilipinas pageant sa Marso, na ipalalabas din sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC).

Walang iba kundi ang top Kapamilya director na si Johnny Manahan ang mamumuno sa grandiosong event na ito sa tulong ng tinitingalang ABS-CBN Special Projects team sa pangunguna ni Chit Guerrero.

Bilang primerong beauty pageant ng bansa, sinala ng BPCI ang aabot sa 90 na Pilipina mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas para piliin ang 24 na natatanging kandidata na maglalaban para sa pagkakataong mairepresenta ang bansa sa international beauty pageants tulad ng Miss International, Miss World at Miss Universe.

Sa nakalipas na tatlong taon, sa ABS-CBN pinagkatiwala ang pagsasahimpapawid ng pinakamaganda at glamorosong gabi sa mundo, ang Miss Universe pageant. At sa Setyembre, sa Kapamilya network mapa-panood ang 2011 Miss Universe pageant na gaganapin sa Sao Paolo, Brazil.

Ang BPCI naman ay apat na dekada nang nagsisilbi sa bayan sa pamamagitan ng paghuhubog hindi lamang sa mga beauty queen na lumalaban kundi sa mga kapus-palad sa pamamagitan ng mga workshop, training at mission work.

Samantala, wala pa kaming balita kung saang programa ilalagay si Venus at kung magiging bahagi rin siya ng mga bigating soap opera ng ABS-CBN.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES