Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, January 19, 2011

Vhong Navarro malaki ang paghanga kay Angelica

Dati na palang nagkasama sa isang pelikula sina Vhong Navarro at Angelica Panganiban, sa Separada na kung saan ay batang-bata pa si Angel kaya walang nagmarka kay Vhong sa kanilang unang pagsasama kundi ang pagiging cute na bata ni Angel. Pero ngayon ay malaki ang paghanga ni Vhong kay Angel dahil lumaki itong ubod ng ganda at napakaseksi pa. Bukod dito, nahasa na ito sa pag-arte at hindi lamang sa drama magaling kundi maski na sa comedy.

“Bibihirang babae ang nakakapag-drama na at nakakapagpatawa rin,” sabi nito.

Magkasamang muli ang dalawa sa isang horror comedy na dinirek ni Chito Roño at mapapanood sa susunod na buwan. Ito ang Bulong na kung saan tinatalakay ang isang paniniwala ng mga Pinoy na ang isang wish o kahilingan ay malaki ang pag-asang magkaroon ng katuparan kapag ibinulong ito sa isang patay.

Pero si Vhong iba ang tinanggap sa ibinulong niyang pangarap. Kung ano ito ay siyang magbibigay sa manonood ng katatakutan sa pagsisimula pa lamang ng taon at sa buwan ng mga puso na dapat ang lahat ay nag-iibigan.

Panoorin ang kakaibang Valentine offer na ito ng Star Cinema na nagtatampok din kay Bangs Garcia.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES