Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, February 10, 2011

Empress Schuck wants Piolo and John Lloyd

Hands-on si Empress Schuck sa paghahanda sa kanyang debut party sa February 20 sa Grand Terrace. Siya mismo ang nagsi-send ng invitation sa Rocker Chick theme party, kung saan, gown na gawa ni Pepsi Herrera ang isusuot. Hosts ng debut sina Robi Domingo, Kitkat at Melissa Ricks.

Kasama sa 18 roses/gifts sina Enchong Dee, Felix Roco, Matt Evans, Ejay Falcon, Arron Villaflor, Isabelle Abriera, Beauty Gonzales at Erich Gonzales. “Secret” pa ang escort, wala pang first dance at ang ama ang kanyang last dance. Kakanta sa debut niya sina Richard Poon, 3AM, VoizBoys at ‘di pa sure ang Parokya ni Edgar.

Ang gumanda pa ang career at makabili ng sports car dahil feel niyang mag-drive mag-isa ang birthday wishes ni Empress. Next year pa nito balak mag-BF, kaya enjoy muna siya sa pagiging single.

Wish ni Empress na maging first dance ang isa kina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz at nang biruin ng press na baka magselos sa kanya si Shaina Magdayao at tawagan siya, ang sagot ni Empress, alam daw ni Shaina na marami ang nagkaka-crush sa BF at maiintindihan siya nito.

Hindi invited si Angel Locsin sa debut ni Empress kahit pareho sila ng manager dahil hindi sila close ng aktres at nakiusap na ’wag na itong gawing isyu.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES