Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, February 13, 2011

Happy Yipee Yehey Launched!

NAPUNO ang Ynares Sports Arena sa Pasig kahapon sa grand launching ng newest noontime show ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey!

Bongga ang performance ng main hosts na sina John Estrada, Randy Santiago, Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga sa kanilang opening number. After nito, tinawag ng apat na hosts ang kanilang co-hosts na sina Bianca Manalo, Kuya Jobert, Melai Cantiveros, Bentong at ang special co-hosts na sina Sam Milby at Matteo Guidicelli.

Si John Prats naman ay napanood mula sa SM North EDSA para sa segment na “Ikaw Ang Bida.”

Sa opening, kitang-kita na very close na ulit sina Mariel at Toni.

“Grabe, I can’t explain the feeling. We’re extremely happy and grateful for the unending support of our Kapamilyas. Hindi namin ini-expect na dudumugin kami agad ng ganito,” wika ni Randy.

Naging emosyonal naman si Mariel dahil sa hindi niya inaasahan na sa kanyang pagbabalik-noontime show ay lubos pa rin ang pagsuporta sa kanya ng fans. Sa bandang right side nga ng stage, puro fans ’ata ni Mariel ang umuukopa dahil panay ang tili nila tuwing lumalabas ang TV host sa stage.

Excited din si Toni sa kanyang muling pagho-host ng isang noontime show. Bagamat isang batikang host, kakaibang experience daw para sa kanya ang dadalhin ng Happy Yipee Yehey. Ang PBB at The Buzz ay ilan lamang sa pinakamalaking hosting jobs ni Toni.

Tiwala naman si John na sa tulong ng televiewers ay aangat agad ang kanilang programa sa rating. “Ako, naniniwala ako na basta mahalin mo lang ang mga manonood at mga katrabaho mo, mamahalin ka din nila,” wika pa niya.

Dagdag pa sa barkada ang patok na choreographer na si Joy Cancio.

Ilan sa mga dumalo sa grand launch ng new noontime show ay ang Agimat Boys, Priscilla Mereilles, Maja Salvador, Melissa Ricks, Erich Gonzales, Kean Cipriano, Nei ng 6 Cycle Mind, Yael ng Spongecola, Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, Mutya, Star Power 5 at marami pang iba.

Naging special guest din kahapon sa programa si Robin Padilla na kaagad pinagbigyan ang hiling ng audience na halikan ang asawang si Mariel Rodriguez kaya ’di magkamayaw sa pagtili ang mga tao.

Samantala, halatang nangangapa pa ang production staff ng show dahil pilot telecast nila kahapon kaya hindi naiwasang maka-encounter ang ilang invited press people ng small problems bago mag-start ang palabas.

Mabuti na lang at naayos agad ito ni Marvi Gelito, ang executive producer ng show.

Mapapanood na mula Lunes hanggang Sabado ang Happy Yipee Yihey! pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES