Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, February 04, 2011

John Lloyd Cruz: Shaina is my immortal love

Matiyagang naghintay ang ilang press sa statement ni John Lloyd Cruz regarding sa latest brouhaha sa triangle kuno nila nina Ruffa Gutierrez at Shaina Magdayao pagkatapos ng prescon ng Imortal. At ito ang kanyang naging pahayag:

“Nagkausap na ang parties involved sa issue, sina Ruffa at Shaina through Star Magic. And they have agreed na hindi na magsasalita tungkol sa isyu para hindi na ito humaba pa. I think mismong si Ruffa ay nagsalita na sa kanyang show last Sunday regarding this and that’s that. On my part, I will be helping by not commenting also about the issue,” bitin na sagot ni Lloydie.

Hindi ba siya naaapektuhan na dahil sa isyung ito, nagkakaroon ng impression ang mga tao na isa siyang playboy?

“There’s always two sides of the story. ‘Yung mga lumalabas at naisusulat and the real story behind it. Ako kasi tanggap ko nang biglang isang artista, we are public figues. So we are open to comments by other people. We cannot do anything about their comments and their speculations dahil karapatan nila ‘yun.

“What I’m worried lang ay ‘yung friends and families namin na walang source of information kungdi ‘yung mga nababasa lang nila sa diyaryo at napapanood sa TV. They cannot always reach us for the real story. Anyway, tinatapos na namin ang isyung ito and we are hoping na wala na talagang lalabas after this. At hindi ako playboy!” giit ni John Lloyd.

In-assure ni JL sa press na he’s very happy with his relationship with present girlfriend Shaina and he’s hoping na magtagal talaga sila.

“Kung may immortal love man ako, that would be Shaina. Kasi I’m hoping na kapag sumakabilang-buhay na kami pareho, magkikita pa rin kami sa langit para magkasama ulit,” paniniyak ni JL.

Come Valentine’s Day, may work daw siya kasi it falls on a Monday na taping day ng Imortal. But he will make it a point na makapag-celebrate sila ni Shaina before or after Feb. 14. Samantala, nasa Book 2 na ang Imortal at lalong mas titindi ang mga kaganapan sa kanilang dalawa ni Angel Locsin sa istorya. Lloydie gave us a hint na malamang siya ang kagatin sa Book 2 instead of the other way around. Kaya abangan na lang ang magiging transformation niya. Mistula silang sina Bella at Edward sa Breaking Dawn kung saan lalabas na ang supling ng dalawa.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES