Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, February 15, 2011

Kris Aquino nag-dinner with James Yap

Kahapon ay nagsimula na ang pinakabagong game show ni Kris Aquino, ang The Price is Right.

Maganda ang naging presentation ng nasabing show dahil kasabay ng kanilang pilot episode ang mismong kaarawan ni Kris.

Noong Sabado ay back-to-back ang naging birthday celebration ng Queen of all media. Nagkaroon ng medical mission sa Tarlac si Kris sa umaga at kinagabihan naman ay isang private dinner ang ginanap sa kanyang bahay na dinaluhan ng ilang malalapit na kaibigan mula sa showbiz at pulitika.

Present din sa nasabing private dinner ang mga kapatid ni Kris at naghandog din si Presidente Noynoy Aquino ng isang song number para sa bunsong kapatid.

Simple lamang daw ang birthday wish ni Kris. “I want freedom, ‘yun lang ang gusto ko. Matapos na lahat para maging malaya kami ni James pareho na makahanap ng kaligayahan namin na hindi namin naibigay sa isa’t isa,” paha­yag ng aktres.

Nag-post naman ng message kahapon si Kris sa kanyang twitter account na isang dinner daw ang pinagsaluhan nila ni James Yap kasama sina Josh at Baby James noong Linggo. Isang bracelet din daw ang iniregalo sa kanya ng dating asawa.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES