Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, February 09, 2011

Randy Santiago at John Estrada answer Willie

Nag-react na sina Randy Santiago at John Estrada sa galit ni Willie Revillame sa kanila dahil sa pagtanggap nila ng noontime show sa ABS-CBN na Happy, Yipee, Yehey.

Matatandaang naglabas ng sama ng loob si Willie dahil sa ginawa ngang pagtanggap ng mga kaibigan sa noontime show gayung inaayos na raw niya ang show ng dalawa sa TV5.

Last Sunday sa The Buzz, ipinaliwanag ng dalawa na trabaho lang ang lahat at hindi damay dito ang pagiging magkakaibigan nila.

"Alam n'yo, hindi lang naman sa magkakaibigan nangyayari 'yan. Kahit sa magkakapatid, meron talagang mga tampuhan. Ganunpaman, just to put an end to this, I'll just like to say na wala po kaming ginawang masama. Kami po ay tumanggap ng trabaho at ganunpaman din, gusto lang din naman namin na magpasaya ng tao,” pahayag ni John.

Ayon naman kay Randy, masakit din sa kanya na nasaktan si Willie sa kanilang naging desisyon.

"Of course, you know, kami ni Willie, magkasama ever since 1983, we're talking about 28 years together. Isang kuwarto ang tinutulugan namin when we were doing Sicada.

"So, in other words, tampuhan ng magkapatid. Right after na mapakinggan natin ang tampo niya, we were deeply hurt also dahil gusto niya, siyempre, magkasama-sama kaming muli.

"Pero, of course, dahil nga sa nangyaring ito, hindi namin inaasahan na nandito pa rin kami sa Channel 2. In a way, tinext din agad namin siya. Si brother John, e, nag-text din sa kanya. Humihiling kami na sana, sa susunod na panahon, e, magkakasama rin tayo.

"Pero at this point, siyempre, trabaho lang, 'ika nga. Nauna lang itong show ng ABS,” say ni Randy.

Dagdag naman ni John, alam daw ni Willie kung gaano nila ito kamahal bilang kaibigan.

"Kami po ay tunay na kaibigan. Ito po ay isang trabaho lamang. Kailangan din naming magtrabaho ni Randy.

"Sana po, e, katulad nga ng sinabi ko kay brother Randy, as long as malinis ang konsensiya natin, at alam natin na alam ng Diyos na wala tayong ginagawang masama, siguro naman kahit sinong kumalaban sa atin, e, hindi magtatagumpay dahil kakampi natin ang Diyos dito,” wika ni John.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES