Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, February 21, 2011

Sarah Geronimo and Gerald Anderson as Sasa and Gege

Sobrang excited na ngayon ng Pop Princess na si Sarah Geronimo para sa kanyang pinakabagong pelikula with Gerald Anderson. Ito ang kauna-unahang pagsasama ng dalawa sa isang pelikula kaya kinakabahan si Sarah.

“Nandoon lagi ’yung kaba, ’yung question na baka hanapin ’yung dati. Kaya nga tayo actors, kailangan nating gawin ang lahat sa isang character, sa isang eksena. Sana ay makita natin sa pelikulang ito ’yung magic na ’yun,” nakangiting sabi ni Sarah.

“Mas okay ako na hindi ako nape-permanente sa isang ka-love team lang. Nagiging part ’yun ng growth mo as an actor. Iba-iba ’yung leading men, ’yung kaeksena mo, iba-iba ’yung natututunan mo,” dagdag pa ng aktres.

Close na close na ngayon sina Sarah at Gerald kaya mayroon na rin silang kakaibang tawagan sa isa’t isa.

“Gege and Sasa! Sobra siyang focused at nag-e-enjoy din siya sa shooting,” sambit naman ni Gerald.

“Si Gerald, tahimik lang, gentleman. Simple gesture lang na tutulungan kang humakbang sa mataas na lugar. Aalalayan ka kapag maraming tao. Nakakatuwa kasi para kaming magkapatid sa set,” kuwento pa ni Sarah.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES