Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, February 18, 2011

Toni Gonzaga wala nang oras sa BF

Muling magsasama sa isang pelikula sina Toni Gonzaga at Eugene Domingo.

Isang comedy film ang niluluto ng Star Cinema ngayon para sa dalawa.

Huling nagkasama sina Toni at Eugene sa movie hit na You Are The One.

Sobrang excited na nina Toni at Eugene for their movie project. “Alam ko kung gaano kahusay si Ate Uge. I’m really excited na marami akong matututunan sa kanya,” bungad ni Toni.

“Nakakatuwa na after ilang years, magkakasama ulit kami ni Toni. Toni Gonzaga, isa sa hinahangaan natin na ang daming kayang gawin at alam mong napakasayang tao. Really looking forward to working with her, being with her,” pahayag naman ni Eugene.

Makakasama rin nina Toni at Eugene si Wendell Ramos bilang leading man ni Uge sa pelikula. “I’m excited and honored na of course after so many years, nag-work ako sa Star Cinema like ‘yung Sukob and then eto na naman,” maikling pahayag ni Wendell.

Looking forward na ngayon pa lang si Joey Reyes na siyang magdidirek ng nasabing project. “I’m having really good vibes that this film is going to be a lot of fun at ang masaya niyan is kahit ang tagal na katrabaho ko si Uge, this is the first time na makaka-trabaho ko si Toni Gonzaga,” kuwento ni Direk Joey.

Sobrang busy ngayon ni Toni sa telebisyon dahil mula Lunes hanggang Sabado ay mayroon siyang Happy, Yipee, Yehey, ASAP, at The Buzz naman tuwing Linggo.

Ano kaya ang reaksiyon ng kanyang boyfriend na si Direk Paul Soriano sa kanyang pagiging busy sa telebisyon? “Oh! No more time talaga, no more time for me. Hindi…masaya ‘yun. Alam niya na ito ang gusto kong ginagawa. He’s happy and supportive,” paliwanag pa ni Toni.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES