Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, March 18, 2011

Anne Curtis The Singer

MUKHANG kinakarir na ni Anne Curtis ang pagkanta, huh?

Akalain ba ninyong sa tuwing pagkanta ni Anne sa kanilang noontime show sa Dos na Showtime, eh, magkakaroon pa pala siya ng album?

True! Hindi nga nag-iilusyon ang aktres, totohanan na ito.

Dahil sa hilig ni Anne sa pagkanta, binigyan na rin siya ng Viva, (mother studio ni Anne) ng album, as in, recording album.

Sa isang panayam kay Anne, proud na sinabi ng aktres, may ilang cuts sa album na puro duet at isa raw sa makaka-duet niya ang ex-boyfriend niyang si Sam Milby.

Pero hindi pa raw niya alam kung tuloy na ito, ipagpapaalam pa raw kasi nila ang lahat ng detalye sa Star Magic.

Wala naman aniyang problema sa kanila ni Sam dahil pareho na silang masaya sa kani-kanilang mga buhay.

Hindi na rin daw isyu sa boyfriend ni Anne na si Erwan Heusaff kung may mga katrabaho mang boys si Anne sa album niya o kahit si Sam ang isa sa mga ito.

Obvious namang masaya si Anne sa piling ng bagong dyowa.

Buong pagmamalaki pang sinabi ni Anne na super-suporta raw sa kanya ang boyfriend, lalo na sa hilig nito sa pagkanta.

O, ’di ba, keber mang hindi ala-Regine Velasquez o Mariah Carey ang dating ng singing voice ni Anne, basta sing to the max siya, noh!

Taray! Ano naman kaya ang say ng mga diva at concert artists sa pagpasok ni Anne sa recording scene? ‘Yun na!

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES