Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, March 20, 2011

Gerald Anderson flattered for being Sarah's 'first kiss'

PALABAS na sa March 23 ang pelikulang Catch Me I’m In Love na pinagsasamahan nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo sa unang pagkakataon kaya excited ang fans na malaman kung may kissing scene ang dalawa sa pelikula.

“Naku, abangan na lang po nila,” matipid na sagot ni Gerald.

Ayaw pang idetalye ni Gerald ang tungkol sa kissing scene at kung nagkaroon nga nito sa pelikula. Pero if ever daw na meron nga, tiyak daw na matutuwa ang fans.

“It’s my privilege na magkaroon ng kissing scene with Sarah. Sobrang nakaka-flatter ’yon lalo na kung ako ang first kiss niya on screen,” dagdag pa niya.

Parehong broken hearted sina Sarah at Gerald habang ginagawa nila ang Catch Me I’m In Love kaya tinanong ang actor kung hindi ba naging way si Sarah para mapasaya ang kanyang puso.

“’Yung nangyari naman sa akin, last 2010 pa ’yon. So, parang okey na ako. Naka-move-on na ako. Kinalimutan ko na ’yon at nag-focus lang ako talaga sa trabaho ko. ’Yung kay Sarah, hindi ko talaga alam what really happened. Ayoko namang magtanong at makialam.

“Pero as a friend, I’m always here for her. Kapag kailangan niya ako, nandito lang ako,” paniniguro pa ni Gerald.

Hindi ba sila posibleng ma-develop?

“’Yung friendship namin ang posibleng ma-develop pa nang husto kahit siguro tapos na ang shooting ng pelikula. Mabait na tao kasi si Sarah at ang pamilya niya,” maigsi niyang tugon.

Samantala, first time din ni Gerald to work with Direk Mae Cruz.

“Sobra ang focus ni Direk Mae. Ini-explain niya lahat tapos ’yung iba, ginagawa pa niya. Ginagaya na lang namin siya. So, ang laki ng tulong sa amin ni Direk Mae,” kuwento ni Gerald.

Naikuwento rin ng aktor na naka-relate siya sa character ni Eric na ginagampanan niya sa Catch Me I’m In Love.

“Si Eric kasi, mahal na mahal niya ang pamilya niya kahit hindi sila magkasundo ng tatay niya. Ginawa pa rin niya ang gusto ng tatay niya. Ganu’n din ako sa pamilya ko... ’yung mga sacrifices na ginagawa natin. Siguro ’yon ’yung pagkakapareha namin,” paliwanag ni Gerald.

Eh, ano pa ba ang dapat abangan ng mga tao sa movie?

“Dapat nilang abangan ’yung tambalan namin ni Sarah. First time ito. Tapos sa movie pa. Pareho kaming kinakabahan. Pero iisa lang ang goal namin, ang maibigay ’yung best namin at maganda ang kalabasan ng pelikula. Sa tingin ko, na-achieve naman namin ’yon,” proud pang pahayag ng binata.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES