Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, March 27, 2011

John at Shaina payag magkasama uli

Isa sa mga pinag-usapang split-ups sa showbiz ay ang paghihiwalay ng dating magkarelasyon na sina Shaina Magdayao at John Prats. Ngayon ay may kanya-kanya na silang special someone. Masaya si John sa relasyon nila ni Rachelle Ann Go habang masaya rin naman sina John Lloyd Cruz at Shaina sa kanilang relasyon.

Ngayon ay abala sina John at Shaina sa kani-kanilang career pero willing naman silang magkasama sa iisang project kung sakaling magkakaroon ng offer sa kanila.

Sabi ni Shaina, “We just have to be professional. Artista lang naman kami, nagtatrabaho kami so kung maganda ang istorya at magaling ang director, why not?”

Nakangiting sagot naman ni John, “Oo, wala namang problema iyon, kumbaga kung may project naman, bakit hindi?”

Ayon pa sa binata ay wala namang magiging problema sa kanila ni Rachelle Ann kung sakaling matutuloy ang project nina Shaina and John.
http://www.blogger.com/img/blank.gif
“The good thing about sa amin ni Shin (Rachelle Ann), hindi naman kasi bigla, so it took me one year to have a relationship, iba ang trust namin sa isa’t isa. Kumbaga mahal ko na sarili ko bago ako nagmahal ulit, kaya walang problema. Blessed ako sa trust na ibinibigay sa akin ni Shin,” kuwento pa ni John.

Samantala, very civil din ngayon sina John at John Lloyd since magkasama sila sa iisang show. “Nagkikita kami sa ASAP, napakatagal na rin, siguro dapat kalimutan at mag-move on na lahat,” nakangiting dagdag pa ni John. “’Yun lang naman ang wish natin na sana maging happy na lahat kumbaga lahat tayo mag-move on. Lahat naman tayo at peace, lahat masaya, and let’s just be happy. Happy, yippee tayong lahat!”

[via]

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES