Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, March 07, 2011

Maja Salvador snubs Deborah Sun

May sagot si Maja Salvador hinggil sa isyung galit na galit sa kanya ang kamag-anak na si Deborah Sun dahil inisnab daw siya ng young actress nang magkita sila sa isang event.

Sa panayam kay Maja Salvador ni Luis Manzano last Saturday sa Entertainment Live, inamin ng young actress na hindi niya kilala si Deborah. “Hindi ko pa kasi nakikilala lahat ang Salvador. So, kung nagkasama Man kami sa isang event, sorry po kung hindi ko nakilala. Kasi, hindi ko pa siya nakikilala talaga,” paliwanag ni Maja.

Hindi rin daw niya matandaan ang insidente na nagkasama sila sa isang event.

“Hindi ko alam kung saan kami nagsama na event or family gathering man lang pero hindi ko pa nakikilala si Miss Deborah talaga, pero sorry po kung nagsama tayo sa isang event or gathering man lang na hindi ko kayo nakilala or napansin,” pahayag pa ng young actress.

Si Deborah ay kapatid ni Phillip Salvador at ng ama ni Maja kaya lumalabas na tiyahin siya ng young actress. Understandable naman na hindi siya nakikita ni Maja dahil matagal nanirahan ang aktres sa Amerika noon.

Samantala, ngayong gabi na magsisimula ang much-awaited teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin na pinagbibidahan nina Maja, Andi Eigenmann at Coco Martin with a powerhouse cast na sabi nga ni Ronaldo Valdez, ngayon n’yo lang makikitang nagsama-sama sa isang TV series.

Dahil sa pagpasok ng Minsan Lang Kita Iibigin ay magkakaroon ng pagbabago sa primetime slot ng ABS-CBN. Mapapanood ang serye pagkatapos ng Mutya saka pa lang susunod ang Mara Clara, susundan ng Imortal at pagkatapos ay Green Rose.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES