Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, March 10, 2011

Melissa Ricks confirms relationship with Jake

Bongga ang press launch ng bagong seryeng Nasaan Ka Eliza sa ABS-CBN Trellis last Tuesday night. Beach kasi ang ginawang setting at nagkaroon ng Hawaiian party after the preview and presscon.

Kumpletong dumating ang buong cast sa pangunguna ni Melissa Ricks, gumaganap na Eliza, Albert Martinez, Agot Isidro, Eric Fruoctuso, Mickey Ferriols, Aldred Gatchallan, Franco Daza, Christopher Roxas, Desiree del Valle, Joem Bascon, Allen Dizon, Isabella de Leon at Alexa Ilacad.

Masayang-masaya ang bidang si Melissa dahil pagkatapos ng mahabang paghihintay, dumating din ang biggest break.

Ayon sa young actress, hindi siya nainip sa paghihintay dahil in the first place ay wala naman siyang dine-demand from the management.

“Ako naman, I never asked for a lead role, I just wanted work, I just wanted to act, I just wanted to give impression to people na kaya kong gampanan ang mga ibinibigay sa akin. And sobrang thankful ako na ’yung management, ipinagkatiwala sa akin itong role kahit alam nilang medyo conservative ako, they gave me a role that could really challenge me.

“It doesn’t matter kung I waited six years, five years, one year, as long as I’m given what I deserve,” say ni Melissa.

Dahil launching niya ito, ano ba ang kaya niyang gawin sa serye?

“Dahil launching ko, lahat ng makakaya ko, gagawin ko. Hindi ko sinasabi na magbo-bold ako or super sexy, basta whatever the role calls for, gagawin ko.”

Ano naman ang sabi ng boyfriend niyang si Jake Cuenca sa daring scenes niya sa Nasaan Ka Eliza?

“He’s very supportive naman, pero hindi pa niya napapanood ang mga eksena, so, hindi ko lang alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita na niya. Pero alam niya, sinabi ko sa kanya, and he knows about the story also, alam niya ang story ng Nasaan Ka Eliza.”

Speaking of Jake, nasaan na ba ang relasyon nila ngayon?

“Ako, basta, masayang-masaya ako na alam kong may taong nagke-care sa akin, may taong inaalagaan ako and alam ko na mahal naman niya ako.”

Bagama’t umamin na si Jake na talagang may relasyon sila and in fact, ayon nga sa aktor ay two years na sila, si Melissa ay hindi pa makaaamin nang diretso pero dating daw sila ngayon at nagke-care sa isa’t isa.

May anniversary rin daw sila kaya say ng mga reporter, ’yun na ’yon.

“Eh, ’di ’yun na ’yon,” pagsang-ayon naman niya.

Anyway, ipina-preview sa press ang first three episodes ng Nasaan Ka Eliza at wala pang ipinakikitang leading man si Melissa.

Maging sa presscon, wala ring ipinakilalang kapareha ng young actress sa serye kaya ang lahat ay nagtatanong kung sinong aktor ang makakapareha niya.

Pero ayaw sabihin ni Melissa kung sino at abangan na lang daw.

Basta ang clue na ibinigay niya, kung dati raw ay si Matt Evans lang ang partner niya, ngayon, marami na.

Magsisimula na ang airing ng Nasaan Ka Eliza sa March 21 sa afternoon slot ng ABS-CBN.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES