Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, March 01, 2011

Tum, My Pledge Of Love with Robin at Mariel

Pagkatapos magpakasal sa India nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez noong isang taon ay inabangan din ng fans ang napabalitang pagpapakasal ng dalawa sa simbahan. Nakatakda dapat ang church wedding noong nakaraang Pasko pero hindi ito natuloy dahil sa ilang mga bagay na may kinalaman daw sa dating asawa ni Robin na si Liezl Sycangco. “May mga papeles na hinihintay para sa divorce namin, ‘di umabot yung divorce paper, ‘yung galing sa Syria,” paliwanag ni Robin.

Muling nagplano sina Mariel at Binoe na magpakasal sa simbahan noong Valentine’s day ngunit sa ikalawang pagkakataon ay hindi muna nila ito itinuloy. “Ito naman pong Valentine’s day kami ay nabigla sa play date namin, nabigyan ng sapat na atensiyon iyon. Sa pagkakataong ito ayaw namin na kami lang ang nakakaalam, ayaw namin na may magtampo, lahat kayo nandoon,” pahayag ni Robin.

Ayon pa sa aktor ay sa darating na June nila ulit pinaplanong magpakasal pero ayaw naman daw ni Mariel i-pressure ang kanyang asawa. “I don’t think it’s proper na kailangan Babe, kailan ba? This one is just for the friends, family and people ‘yung the one with God, tapos na naman,” pahayag naman ni Mariel.

Samantala, excited na ang mag-asawa sa kanilang pelikulang Tum, My Pledge Of Love na malapit na ring ipalabas. Pinaghirapan daw nila nang husto ang nasabing pelikula para sa kanilang mga supporters. “Lahat ng eksena po namin ay malaki, diyan na pumapasok si Mariel, nakita niya walang humahawak ng ilaw, siya humahawak ng ilaw. Halimbawa nakita niya ‘yung isang kamera, dalawa lang ang cinematographer namin. Gagawin niya ay kukunin niya ‘yung kamera, Babe saan mo gustong anggulo nito,” nakangiting kuwento ni Robin.

“Siya (Robin) po talaga lahat, siya ang nag-conceptualize, nag-isip mula sa script, idea niya po talaga. Bilang humble po siya at generous siya, lagi po na­ming pinag-aawayan kasi written and directed by Robin Padilla, ayaw niya iyon. Gusto niya sini-share niya ‘yung glory sa mga kasamahan namin,” kuwento naman ni Mariel.

[via]

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES