Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, March 03, 2011

TV PATROL nanguna sa labanan

Para sa buwan ng mga puso, napunta sa Kapamilya ang puso ng mas nakararaming mga Pinoy nationwide lalo na pagdating sa primetime matapos talunin ng ABS-CBN ang kalabang istasyon sa average audience share na 41% kumpara sa GMA 7 na 31% lang.

Sa pagbabalita sa primetime, wagi ang ABS-CBN sa pamamagitan ng TV Patrol.

Mas maraming tahanan sa bansa ang nakatutok sa TV Patrol nina Noli De Castro, Korina Sanchez, at Ted Failon na may average rating na 26.7% ngayong Pebrero. Talo ang tambalang Mike Enriquez at Mel Tiangco sa 24 Oras ng GMA na nagtala ng 20.5% at mas dehado ang game show na Willing Willie ng TV5 na may 11% rating lang.

Pagdating sa drama, mas umariba rin ang Kapamilya. Nanlalamon pa rin nationwide sa ratings ang Mara Clara (34.9%) na sinusundan ng Mutya (31.8%), at Imortal (26.4%).

Maging sa Mega Manila na tinuturing na balwarte ng GMA 7 ay hindi nakapalag ang mga pambatong show ng Kapuso sa dekalibreng mga seryeng handog ng ABS-CBN.

Samantala, siyam sa top 10 most-watched TV program nationwide ay mula sa ABS-CBN.

Nangunguna pa rin dito ang Mara Clara (34.9%), na sinusundan ng Mut­­­ya (31.8%), Noah (30%), Pilipinas Got Talent (28.6%), TV Patrol (26.7%), Imortal (26.4), Rated K (23.9%), Maalaala Mo Kaya (22.5%), at Goin’ Bulilit (21.3%) na nakuha ang hu­ling puwesto.

Sa pangkalahatan, ABS-CBN pa rin ang na­nanatiling numero uno sa bansa sa audience share nito na 36% para sa buwan ng Pebrero.

Sa Balance Luzon o areas sa labas ng Mega Manila, mas maraming tahanan sa bansa ang tumutok sa ABS-CBN (38%) vs GMA (35%).

Sa Visayas, mahigit sa doble ang bilang ng tahanan na nakatutok sa ABS-CBN (54%) kumpara sa GMA (24%). At sa Mindanao, mas maraming tahanan ang tumutok sa ABS-CBN (53%) vs GMA (21%).

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES