Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, April 19, 2011

Angel Locsin Updates

Nakasama pala pareho ni Angel Locsin sina Pilar Pilapil at AJ Perez sa kanyang first series with ABS-CBN na Lobo. Kaya apektado raw siya sa mga balitang nababasa niya tungkol sa dalawa. Although, ’di niya sasabihing naging very close sila to them, since hindi pa siya lubusang “at home” noon sa ABS-CBN.

“It’s an open book naman where I came from,” ani Angel. “Kaya, naninimbang pa ako sa mga kasamahan ko lalo na kay Tita Pilar who have been in the business for sometime.

“Kay AJ, since he was just starting din, tahimik lang siya kapag wala kami sa harap ng kamera.

“Pero, mapi-feel mo na mabait siya.

“I’m praying for both of them. For Tita Pilar, for her immediate and complete recovery.

“And for AJ, for the repose of his soul.

“Showbiz will surely miss AJ,” pahayag pa ni Angel. “Lalo na kaming kanyang mga Kapamilya.”

* * *

Ayon kay Angel nabasa na niya ang English script ng movie na gagawin niya for a Jakarta film firm. And part of the script would require her to speak in Bahasa, the Indonesian language.

Which she thinks, will not be a problem, since alam niyang the producer will provide her with a dialogue coach, both in English and Bahasa.

The film is titled The Promise and will co-star her with Indonesian actor.

“Actually, ang pinag-uusapan na lang ngayon ay ang talent fee,” someone close to Angel said. “Kapag nagkasundo ang panig ng Indonesian producer at ang talent manager ni Angel, go na ito.

“Since it will only take 30 days to do the movie, feel ng panig ni Angel, ABS-CBN and Star Cinema will allow her to do it.

End of June or first week ng July ang start ng movie.

By then, tapos na ang kanyang series na Imortal, na hanggang after Holy Week pa ang taping.

Nai-showing na rin ang movie niyang In The Name Of Love with Aga Muhlach na naka-schedule ang opening sa more than 100 theaters nationwide on May 11.

May 28, magkakaroon ng premiere ng In The Name of Love in Los Angeles, California.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES