Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, April 10, 2011

KC Concepcion Not Ready for Marriage

MAY blessing pala kina Sharon Cuneta at Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan si KC Concepcion to live independently.

“I moved out na po, Finally, after three years of being home, I was able to move out. Parang mas mage-gain ko na po ‘yung independence ko and totoo pong ganoon. Mas nakikilala mo ang sarili mo when you’re seperated from your comfort zone,” paliwanag ni KC sa kanyang birthday presscon.

Kailan naman kaya niya balak magpapagawa ng sariling bahay?

“Later on na po, kapag mayroon na akong partner at saka kapag may plans na akong mag-settle-down. Du’n palang ako magbi-build ng house,” sagot ng dalaga ni Mega Sharon.

Ano naman ang naging reaksiyon ni Mama Sharon that KC is living indepedently?

“Na-over stay nga ako ng three 3 years. Parang feeling ko at the end of the day, my mom was ready kahit papaano. Kasi, she also wants to convert ‘yung parang place ko sa Wack Wack to a studio or baking kitchen. It was funny, kasi, at least my blessing. People can always say things. Before, in Paris may mga pictures pa silang nilabas na parang may party, ganyan. Hindi nila alam, it was a surprise party for me, mga friends ko sa theater. People can always say what they want, but I know that I am living a good life alone in my condo and I feel that living alone will make me more responsible. Officially, two months pa lang po akong nakatira sa condo ko.”

Nakaplano ba na you really want to live alone?

“I think it’s the most natural choice because it’s hard to live alone on your own and have your system of doing things, like ‘yung sa kama, parang ‘yung mga bedsheet ko. Gusto ko, personal preference hanggang tatlong kulay lang. Ayaw ko ‘yung maraming kulay sa kama, kasi I want to wake up na organize ‘yung utak ko. Kasi, ‘yung chairs ko iba-iba, very athletic.”

Ilang years pa ang hihintayin ni KC bago lumagay sa tahimik with Piolo Pascual?

“For me, nag-i-enjoy pa ako. Funny, when we met with clients for our endorsement, one of their questions was that. We just want to know lang, are you planning to get married anytime now? Tapos, natawa po talaga ako, I’m not ready to answer that. For me, it’s really no! I’m still growing, enjoy na ganito lang po. Feeling ko wala pa naman si Piolo sa part na ‘yun.”

Naikuwento ni KC na kama pala ang iniregalo ni Papa P sa kanya nu’ng lumipat siya sa bago niyang condo unit. Sa status ngayon ni PJ puwede na siyang mag-settle-down since he’s 34 and KC is 21.

“Ang lalaki naman po parang wine, they get better with age. Crush ko pa nga si Richard Gere noong 21 ako. Ang lolo ko, Pablo Cuneta, 60’s na siya noong naging anak niya si Mama, look what happened, she became a Megastar. I think naman nasa girl ‘yun.”

Ano naman ang contribution ni Gabby Concepcion sa pagiging independent ni KC?

“Pinipilit namin ‘yung time na mag-bonding kami. There are things na hindi pa ako comfortable na i-open up na ganu’n-ganu’n lang. We have to spend a lot of time para mag-usap kami ng malalim. Kasi, matagal kaming naghiwalay, nag-uusap kami katuwaan, books lang mga ganu’n. I hope you understand,” seryosong paliwanag KC.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES