Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, April 01, 2011

Miguel Villafuerte Interested with Sarah Geronimo

Nagkita kami kahapon ni Camarines Sur Governor LRay Villafuerte at siyempre, ang pagkakaugnay ng kanyang anak na si Miguel kay Sarah Geronimo ang inusisa ko sa kanya.

Ang sey ni Papa LRay, boto siya kay Sarah para sa kanyang anak dahil gusto niya ang pagmamahal na ipinakikita ng singer-actress sa pamilya nito.

Sayang nga dahil hindi kasama ni Papa LRay si Miguel dahil nasa Amerika ito kaya hindi ko na-meet ng personal ang bagets.

Ipinakita na lang sa akin ni Papa LRay ang mga litrato ni Miguel. Totoo ang tsismis, star material si Miguel na 5’9 ang height at mapag­kakamalan din na model dahil sa kanyang body built.

Ang aking bestfriend na si Pinky Tobiano ang nagpakilala sa akin sa mabait at masipag na gobernador ng CamSur.

Bagets-looking si Papa LRay as in hindi siya mukhang 42-years old. Si Papa LRay ang may kagagawan kaya nakilala sa buong mun­do ang CamSur na dinarayo ngayon ng mga turista.

Sa mga hindi nakakaalam, kinunan sa CamSur ang Survivor : France at Survivor : Siberia dahil sa kagandahan ng lugar.

Natawa ako sa kuwento ni Papa LRay tungkol sa crew ng Survivor : Siberia na nag-shoot sa Caramoan Island. Nakatanggap daw siya ng phone call mula sa mga Pinoy na nagbabantay sa shooting. Dis-oras na ng gabi ‘yun at natutulog na si Papa LRay.

Nagising daw siya sa walang tigil na pagtunog ng kanyang cell phone.

Ang mga Pinoy na nagbabantay sa shooting ang nasa kabilang linya. Natataranta sila dahil na-sight nila na naglalakad ng walang saplot sa katawan sa beach shore ang crew ng TV show.

Sanay sa skinny-dipping ang mga Siberian at wala siyang malisya sa paglalakad ng hubo’t hubad kaya naeskandalo ang mga Pilipino na naka-witness sa drama nila.

Nagkaroon ako ng interes na pumunta sa CamSur dahil sa magagandang kuwento na narinig ko.

World-class ang description ni Papa LRay sa probinsiya na kanyang nasasakupan at naniwala ako dahil popular nga sa mga turista ang CamSur.

Interesado ako na makarating sa CamSur at ito ang susunod na pag-uusapan namin ng aking bestfriend Pinky na kinikilig kapag pinag-uusapan sina Miguel at Sarah.

Dumating nga pala si Cesar Montano sa lunch date namin nina Pinky at Papa LRay. Matagal na palang magkakilala at magkaibigan sina Cesar at Papa LRay.

Tungkol sa business ang pinag-usapan nila pero hindi ko na ina­lam. Basta ang natatandaan ko, may ibang negosyo si Cesar na pinagkakaabalahan.

Hindi lamang sa pag-aartista umiikot ang kanyang mundo.


[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES