Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, April 02, 2011

No gap between Kim and Erich

INAMIN ni Empress Shuck na bihira na lang daw silang nagkakasama ngayon ng mga kaibigan niyang sina Erich Gonzales, Kitkat, Kim Chiu at iba pa nilang kabarkada sa Chuirigogobashu. Ito ang tsika sa amin ni Empress nu’ng makasama namin sa patungong Cebu para sa ASAP Rocks last Sunday.

Nilinaw din ng dalaga ang matagal nang kumakalat na balitang may alitan daw sina Kim at Erich kaya nagkakawatak-watak na ang kanilang ng grupo. Obserbasyon ng ilang malalapit sa mga dalagang ito, may mga kanya-kanyang lakad na raw ngayon ang magkakabarkada kaya hindi na sila madalas nagkakasamang gumimik.

Say ni Empress, hindi totoong may problema silang magkakaibigan. Totoo na matagal na raw silang hindi lumalabas na kumpleto dahil busy sa kani-kanilang mga trabaho pero wala silang gap.

Si Empress daw, ang laging kasama ngayon ay si Erich, pero dahil nga pareho silang busy, sinisikap na lang daw ng isa sa kanila na makasunod sa venue ng kanilang gimik. Minsan daw ‘yung iba eh, hindi na rin nakakahabol pero naiintindihan din nila ito.

So, walang gap o anumang intriga sa pagitan ng magkakaibigan. At lalong hindi raw boys ang dahilan sa hindi nila pagkikita. Hindi rin daw totoong nag-iisnaban sina Kim at Erich. Kaya natatawa na lang si Empress sa mga intrigang kumakalat tungkol sa kanila.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES