Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, May 19, 2011

Aga at Charlene parating bagong kasal ang pakiramdam

Sa May 28 ay 10th wedding anniversary nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez. Kahit wala pang plano ang mag-asawa kung paano nila ise-celebrate ang kanilang special day ay kakaibang excitement na ang nararamdaman ni Charlene.

“Ang sarap ng feeling ko, parang first year pa rin kami ni Aga hanggang ngayon, each day gets even more special. Basta kasama ko ang asawa ko and my children, everyday is a gift.

“’Yung May sa amin, birthday ko, Mother’s Day pati wedding anniversary. One month celebration of many good things and love and happiness,” nakangi­ting kuwento ni Charlene.

Ang isa pa niyang kuwento, sa May 22 ay nakatakda pala siyang mag-ninang sa kasal ng kanyang brother-in-law na si Albert Muhlach.

“Yes! Magiging ninang ako. Albert sa wakas, haping-happy ako sa iyo, alam mo ’yan and I’ll always be your sister. It’s a big honor that you chose me to be your ninang. Kahit bata pa ako gagawin ko ito para sa iyo, mahal kita,” mensahe ni Charlene sa kapatid ni Aga.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES