Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, May 07, 2011

Angel Locsin proud ABS-CBN turns her into 'real actress'

FINALLY, mapapanood na rin ang pelikula nina Aga Muhlach at Angel Locsin na halos one year in the making.

Entitled In The Name of Love, ito rin ang pang-18th anniversary presentation ng Star Cinema.

Pero hindi lang kina Aga at Angel umiikot ang istorya ng movie, kungdi pati na rin kay Jake Cuenca.

Very honored daw sina Aga at Angel dahil ang pelikula nila ang napili ng Star Cinema na maging handog para sa kanilang ika-18 anibersaryo.

Super-excited din sina Aga at Angel na mapanood ang kabuuan ng pelikula, na first time nilang pinagtambalan.

Bonus daw sa kanila na isang mahusay na direktor ang humawak sa kanila -- si Direk Olivia “Inang” Lamasan lang naman, huh!

Say naman ni Direk Oli-via: “I’m so proud of them. We did this movie for more than a year. Grabe ’yung pinagdaanan naming difficulties. But at the end, I’m so fulfilled and I’m so happy and proud of the performances, kung paano sila nag-evolve as actors. Ma-talino silang artista.”

Reunion movie rin nina Direk Lamasan at Aga ang In the Name of Love.

“Every time we’d see each other, we’d always talk about it. Kung kailan uli kami magkakatrabaho. Finally, eto, nagkatrabaho na uli kami. So, with this movie with Olive and the story, sabi ko perfect talaga. Not knowing na ito ang isang pelikulang sasabihin ko talaga na pinakamahirap kong ginawa -- physically, emotionally, lahat -- because of the bigness of this movie.

“I’ve done movies for Star Cinema. Ang sarap ng feeling kasi in-entust nila ang pelikulang ito na pang-anniversary pa nila. It makes you special talaga dahil pelikula namin nina Angel at Jake ang napili nilang ipa-labas sa publiko,” mahabang kuwento ni Aga.

Sa panig naman ni Angel, aniya: “Honestly, after doing this movie, pakiramdam ko nasa umpisa pa lang ako. Feeling ko nasa kinder level ako, parang ang dami ko pang bagay na dapat matutunan. Nakaka-inspire palang magtrabaho kung ang makakasama mo ay sina Direk Olivie, Mr. Aga Mu-lach na ang gagaling sa craft nila. Nakaka-challenge. Du’n papasok ‘yung humility, na wala pa pala ako sa kalingkingan nila. Kaya ginagawa ko ‘yung da best ko. Nu’ng diniscuss nila sa akin ang role ko, na-inspire talaga ako. Lahat ng hindi ako kumportableng gawin, gagawin ko. Isinuko ko lahat dahil tiwala ako sa director namin na talaga namang sobrang galing mag-direk.

“Bilang baguhan dito sa ABS-CBN, tinatanaw kong isang malaking utang na loob sa kanila na binibigyan nila ako ng pansin. Dito nag-grow ako as an actress ta-laga. Dito, mas minahal ko ang trabaho ko and I’m very proud na isinama nila ako dito sa In The Name of Love.”

Para naman kay Jake, inspired siyang magtrabaho dahil nakita ng direktora ang kanyang galing sa pag-arte.

“I have probably done something right to be a part of this movie. I’m very blessed na naisama ako sa pelikulang ito.”

Kaya naman pangako nina Aga, Angel at Jake, lahat daw gagawin nila In The Name of Love para sa mga taong nagmamahal sa kanila.

May premiere night pelikula on May 10 sa SM Megamall, with regular showing on May 11, sa lahat ng sinehan, nationwide.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES