Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, May 11, 2011

Angelica Panganiban Game na Game kay Piolo Pascual

Taong 2004 nang huling magkatambal sina Piolo Pascual at Angelica Panganiban sa teleser­yeng Mangarap Ka sa Kapamilya Network. Pagkatapos ng pitong taon ay muling magsasama ang dalawa sa isang pelikula na gagawin ni Direk Mae Cruz mula sa Star Cinema.

“First time namin to work with Direk Mae para sa pelikula. It’s a privilege for us. We’re so excited because bago sa amin itong tatlo. Never pa kami nagsama ni Angel sa pelikula. Never ko pa nakasama si Direk Mae,” pahayag ni Piolo.

“First time kong gagawa ng romantic comedy. Sabi ko nga ito na ’yung pinaka-challenging role na puwede nilang ibigay sa akin. Kasi super lapit niya sa personality ko, demure siya. Ayun! Sweet, mabait, polite, lahat ng positivity nasa kanya. So akung-ako talaga,” pabirong sabi naman ni Angelica.

Kamakailan ay nagkaroon na ng look test sina Angelica at Piolo para sa gagawing pelikula at naging komportable naman sila sa isa’t isa. Kitang-kita na rin ang chemistry at magandang samahan sa pagitan ng dalawa.

“Masaya kami. Ang problema namin ay kung paano kami magiging seryoso, ’yun ang challenge,” kuwento ni Piolo.

Ang balita namin ay magkakaroon ng mga daring scenes ang movie project nila. Ready na kaya silang gawin ito? “Depende, kung hihingin ng istorya,” sagot ni Piolo.

“Hihingin iyan,” mabilis na kambiyo naman ni Angelica.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES