Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, May 17, 2011

Kris Aquino masaya sa pagpapapayat ni Joshua

Noong Linggo ay kasama ni Kris Aqui­no ang kanyang panganay na anak na si Joshua sa proyekto ng De­partment of Health na ehersisyong pang­kalusugan para sa lahat. Ginanap ito sa Quezon Memorial Circle. Ilang govern­ment officials din ang sumuporta sa nasabing programa sa pangu­nguna ni Presidente Noynoy Aquino.

Sobrang proud ni Kris kay Josh dahil nakasali ito sa isang biking activity sa nasabing event. “Si Josh, nagba-bike na ngayon, eh hindi naman ako maru­nong mag-bike so nakakahiya naman na na­ka-training wheels ako,” natatawang bu­ngad ni Kris.

Ang pagba-bike ang pinakabagong kinahihiligan ngayon ni Josh para mapanatiling malusog ang pangangatawan nito.

“Kasi nandoon siya sa severely obese level. So, ngayon at least nag-lose na siya ng ten pounds. Four times a week talaga nagba-bike, three times nagko-core, something cross training, and swimming. So three different physical activities para pumayat, happy talaga at good na nag-e-enjoy siya talaga,” kuwento pa ni Kris.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES