Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, May 10, 2011

Pokwang Very Happy

MASAYA ngayon si Pokwang dahil natapos na ang ipinatayong dream house sa Summer Hills, Antipolo. Umabot daw sa P30 million ang kanyang nagastos at ayon kay Pokwang, kung hindi raw siya marunong magtipid habang pinagagawa ang four-storey with 8 -bedroom na bahay, baka naghihirap na siya ngayon sa kawalan ng datung.

Noong pinaplano pa lang niya ang pagpapagawa ng kanyang dream house, talagang pinaghandaan na raw niya ito financially, kasi nga, mahirap mabitin at baka hindi lang ito matapos, kaya super-tipid daw ang hitad.

Ngayon daw, nakatira na siya sa bago niyang bahay kahit hindi pa tapos ang prayer room, na ayon sa kanya, ito raw ang pinakaimportante kaya minamadali niyang matapos.

“May sarili akong kuwarto at ang anak kung angel, kung saan man siya naroroon ngayon, siguro masaya siya kasi nga nakikita niyang hindi ko siya pinabayaan,” malungkot na kuwento ni Pokwang.

Nagpapasalamat din si Pokwang sa anak niyang anghel, kasi nga, muli siyang nakabalik sa noontime show.

Isinama na siya ng ABS-CBN management sa Happy, Yipee, Yehee bilang bagong host sa segment na Kuwarta o Kahon.

Hindi naman niya inabandona ang dati niyang bahay. Pinatira niya du’n ang kanyang kapatid para makamenos sa gastos, kasi nga, mahal yatang umupa ng bahay ngayon.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES