Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, May 29, 2011

Riza Santos as Miss World Canada

Parang may nagbago sa mukha ni Riza Santos, ang dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na naging contract star ng Viva Films pero biglang nag-babu sa Pilipinas.

Sumali si Riza sa Miss Canada at siya ang nag-win ng Miss World-Canada title. Ang ibig sabihin, si Riza ang pambato ng Canada sa Miss World pageant.

Naging cover girl noon si Riza ng FHM Philippines pero hindi naman yata ito nakaapekto sa pagsali niya sa beauty contest sa Canada dahil nag-win pa siya ng beauty title.

’Yun nga lang, parang may nagbago sa kanyang face dahil iba na ang hitsura niya kesa noong nag-aartista pa lamang siya sa Pilipinas.

Pumayat lang ba si Riza o meron siyang dapat ipagpasalamat sa doktor? Hindi baguhan si Riza sa pagsali sa mga beauty contests dahil nag-join na rin siya noon sa Miss Earth pageant.

Siya ang nag-represent sa Canada pero mga special awards lamang ang kanyang natanggap.

Na-link noon si Riza kay Mark Bautista pero idinenay niya na nagkaroon sila ng relasyon ng singer-actor.

Ewan ko lang kung aaminin ni Mark na na-hurt siya sa ginawang pagde-deny ni Riza sa kanilang special friendship.

Ibig sabihin, dalawang Pinay ang maglalaban sa Miss World contest na gaganapin sa London sa Nov. 8.

Si Riza ang isang Pinay at naghahanap pa si Cory Quirino sa magiging representative ng ating bansa sa Miss World.

Two months from now, malalaman natin ang mapalad na babae na makakalaban ni Riza sa Miss World contest dahil sa July 30 ang coronation night ng Miss World-Philippines.

Si Cory na ang may hawak ng franchise ng Miss World contest sa Pilipinas dahil hindi na nag-renew ng kontrata sa Bb. Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) si Julia Morley, ang big boss ng Miss World Organization.

Runner-up si Ruffa Gutierrez sa Miss World contest noong 1993 at kahit hindi na hawak ng BPCI ang beauty contest ng Miss World Organization, marami ang umaasa na siya ang kukunin na host ng pageant night ng Miss World-Philippines sa July 30.

Mapapanood sa GMA 7 ang pageant night ng Miss World-Philippines at kahit identified si Ruffa sa TV5, pinapayagan siya na lumabas sa ibang TV network.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES