Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, June 18, 2011

8 Movies for MMFF Napili Na

Napili na ng Metropolitan Manila Development Authority, ang nagpapatakbo ng Metro Manila Film Festival ang walong pelikulang opisyal na kasali sa gaganaping piyesta ng pelikula ngayong 2011. Mga outline lang ng mga nasabing gagawing pelikula ang hawak ng MMDA.

Enteng ng Ina Mo, starring Vic Sotto and Ai Ai delas Alas – ABS-CBN Productions and M-Zet Productions na si Tony Y. Reyes ang director.

Sumunod ang Hototay, starring John Lapus, Ruffa Gutierrez, Andi Eigenmann, Lovi Poe, and Melai Cantiveros - Regal Films and SMDC – si Joel Lamangan ang director.

Pasok din ang Mr. Wong, starring Robin Padilla and Angelica Pa­nganiban sa ilalim ng RP Productions at ididirek nina Tina Dayrit and Rechie del Carmen para sa film production ni Robin.

Sigurado naman ang pagbabalik pelikula ni Judy Ann Santos sa My Househusband ka-partner ang asawa niyang Ryan Agoncillo para sa OctoArts Films at ididirek ni Jose Javier Reyes.

Siyempre kasama rin sa listahan ang Panday 2, starring Bong Revilla, Phillip Salvador, ­Marian Rivera and Iza Calzado mula sa GMA Films and Imus Productions. Si Mac Alejandre naman ang director. Sinimulan na ang shooting ng pelikulang ito dahil madugo umano ang special effects na gagamitin nila.

Nang huling makausap namin si Dingdong Dantes, wala pa silang director para sa Segunda Mano ni Kris Aquino sa ilalim ng MJM Productions, pero pasok sila sa walo.

Ang Shake Rattle & Roll 13, starring Eugene Domingo, Paulo Avelino, Albie Casino, Maricar Reyes, Kathryn Bernardo – directors sina Chris Martinez, Richard Somes and Jerrold Tarog ang pelikulang solo ng Regal Films. Panghuli ang Yesterday, Today and Tomorrow, starring Dennis Trillo, Heart Evangelista, Carla Abellana, and Ritz Azul sa ilalim ng Regal Films and Studio 5.

Mismong ang Regal ang nag-announce sa kanilang twitter account na tatlo ang pelikulang kasali nila sa walong napili. Ang dalawa – Hototay ay co-prod nila ang SMDC at sa Yesterday… kasosyo naman nila ang Studio 5. “We are happy to announce that three movies from Regal Films were selected as entries to this year’s Metro Manila FilmFest :),” ayon sa Twitter account ng nasabing film outfit.

Sampu lang ang pinagpilian kaya dalawa lang ang nalaglag sa listahan – ang Kingpin : The Asiong Salonga Story starring ER Ejercito at ang Love Will Lead You Back nina Judy Ann Santos and Coco Martin.

[via]

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES