Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, June 30, 2011

Andi Eigenmann, Pregnant

Kumpirmado, buntis si Andi Eigenmann, ang anak nina Jaclyn Jose at Mark Gil. Apat na buwan at kalahati na ang bata sa tiyan ng bagets na aktres - 17 years old lang siya.

Kagabi ay inamin na ni Jaclyn ang kalagayan ng anak sa TV Patrol. “Yes it’s true, my daughter is pregnant,” pag-amin niya.

Pero ang nakakagulat, hindi pala si Jake Ejercito ang ama ng ipinagbubuntis ni Andi. Ayon sa isang source, nag-deny na si Jake sa issue. Paano raw mangyayari ‘yun eh apat na buwan pa lang siyang nasa bansa. Nag-aaral sa London ang anak nina dating presidente Joseph Estrada at Laarni Enriquez pero common knowledge na mag-on sila. Ayaw namang sabihin ni Jaclyn kung sino ang ama basta first boyfriend daw ng anak niya na nang-iwan nang mabuntis ito kahit alam na ng lahat na ang young actor na si Albie Casiño.

Umiiyak si Jaclyn nang aminin niya ang tunay na kalagayan ng anak sa TV Patrol kagabi. Naging proud daw siya sa anak dahil nag-desisyon itong ituloy ang pagbubuntis.

Andun daw ang suporta nila sa anak na sumikat sa Agua Bendita.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES