Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, June 12, 2011

John Lloyd Cruz Denies Engagement

Nakabalik na sa bansa sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao mula sa kanilang Europe vacation na inabot ng mahigit isang buwan. Maraming nagawa ang dalawa sa kanilang paglilibot sa Paris, Italy, at Amsterdam. “Napakasaya! Na-explore namin ang Europe sa pamamagitan ng train, bus, eroplano,” bungad ni John Lloyd.

Ngayon ay mas lalong tumibay at lumalim ang relasyon ng dalawa dahil sa matagal nilang pagsa­sama habang nasa bakasyon.

“Definitely, mas marami na kaming alam sa isa’t isa. Ganun naman ’yun eh. Kapag araw-araw mo nakakasama, mas marami kang natututunan. Mas marami na akong alam na mas makakatulong sa relationship namin, how to keep it stronger and paano kami magkakaunawaan sa mas magandang paraan,” kuwento pa ni John Lloyd.

Totoo kayang may naganap nang engagement habang nasa Europe sila?

“Narinig ko na ’yan, kesyo engaged na kami. Hindi po iyon totoo. Ang mga bagay na ’yan, kung tunay kang nagmamahal at wala naman kayong tinatapakang tao, hindi mo dapat itago. Kung meron man kaming dapat sabihin at totoo mang nangyari, ’di namin ipagkakait. Malayo pa kami,” pagtatapat pa ng aktor.

May mga bulung-bulu­ngan din na buntis diumano si Shaina kaya matagal itong nagtago at may iba pang nagsasabi na hiwalay na ang magkasintahan.

“Buntis o naghiwalay, ewan ko, ngayon nga engaged na raw kami eh. Talagang mas malala pa diyan pinagdaanan, mga sinabi, binato sa amin pero tanggap naman namin na parte ng trabahong pinasok naming ito.

Sana hindi, sana matuto silang tumahimik na at wala naman kaming ginagawang masama sa mga nag-iimbento,” seryosong pakiusap ni Lloydie.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES