Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, June 18, 2011

John Prats Single Again

Noong Huwebes ay nabanggit ni John Prats sa Happy Yipee Yehey! na “I’m single” kaya mabilis na kumalat ang balitang magkahiwalay na talaga sila ni Rachelle Ann Go.

Matagal nang bulung-bulungan na may third party diumano sa relasyon nila at si Bianca Manalo ang itinuturong dahilan ng nasabing hiwalayan ng dalawa.

“Wala naman po sigurong babaeng gustong mapasama, mapasali sa isang relasyon bilang third party lang,” depensa ni Bianca sa sarili. “Sasayangin ko ba ang pagiging single ko kung papasok lang ako sa merong karelasyon na?”

Paliwanag pa ng TV host-beauty queen ay parte ng trabaho nila ni John ang ginagawa nilang pagpapakilig sa mga manonood ng kanilang programa.

“Ako, nirerespeto ko po si Rachelle, kung ano po ’yung pinagdaanan nila, kanila na po ’yun, pero ang akin lang po bilang babae masakit ’yung ganyang klaseng isyu. Sana tama na po, out n’yo na po ako. Hayaan na natin sila, in time lalabas din ang katotohanan,” giit pa ni Bianca.

Ang dalaga rin ang itinuturong dahilan ng hiwalayan nina Jake Cuenca at Melissa Ricks kamakailan.

“No! No! I met him through Melissa ’cause Melissa and I are friends,” diin ni Bianca.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES