Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, June 12, 2011

Nina Denies Abuse

Itinanggi ni Soul Siren Nina ang akusasyong inabuso at inapi niya ang kanyang personal assistant (alalay).

Ikinagulat nga raw niya ang paglabas ng balita samantalang hindi na nga raw nagpapakita sa kanya ang naturang PA niya.

Ayon sa tsismis, hindi sinusuwelduhan nang sapat ni Nina ang alalay at hindi rin daw nito binibigyan ng pamasahe. Inaasahan na lang daw ng PA ang libreng pagkain sa gigs niya at kung wala raw pagkain, hindi na kakain ang kanyang alalay.

Depensa ni Nina, galing daw ang naturang personal assistant sa kampo ni Nyoy Volante kaya kilala niya ito noon pa dahil sa pakikipag-ugnayan niya noon kay Nyoy.

“Sa isang show ko sa isang mall, lumapit siya sa akin at nagkuwento. Naaksidente raw siya tapos hindi raw siya tinulungan ni Nyoy. Hanggang sa hindi na raw siya makapasok dahil sa natamong aksidente.

“Naawa naman ako. Since kailangan ko nga ng PA kinuha ko siya. Nakaka-gulat lang, after all ng concern at awa sa kanya, binabaligtad pa niya ang mga kuwento tungkol sa akin. Ako pa ngayon ang lumalabas na may ginawang masama sa kanya,” mahabang tsika ni Nina.

Sa balita ay P200 lang na allowance ang ibinibigay ni Nina sa alalay kapag may gig ito, kasama na raw doon ang pamasahe at pagkain.

“Naku! Gusto ko lang iklaro ’yang isyu na yan. ’Yung P200 na ‘yan, transportation allowance niya since taga-Laguna siya. May P100 pa akong ibinibigay para sa pagkain niya at kung may libreng pagkain sa gig ko, sa kanya pa rin ’yung P300 at ‘di ko na kinukuha ’yun.

“Ang suweldo niya sa akin sa isang buwan ay P10,000. So every 15th and 30th may P5,000 siya. So, paano niya masasabing inapi ko siya. I think tama lang ang ibinabayad ko sa kanya at hindi siya dehado. May show man ako o wala, bayad siya,” paliwanag pa ni Nina.

Hinihintay nga raw ni Nina ang anumang pormal na reklamo ng alalay at handa niyang harapin ito kahit kailan at saan. May hinala nga raw si Nina kung bakit may ganyang tsismis na lumalabas tungkol sa kanya. Pero ipinapasa-Diyos na lang daw niya ang lahat.

[via]

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES