Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, July 23, 2011

Michael Advincula Joins Showbiz

Mula sa pagiging swimmer at team captain ng DLSU Tankers (DLSU-M Swimming Team), excited si Mike (Michael Advincula) sa finalis ng MYX VJ Hunt 2011. Yup, sumabak na ang manla­langoy ng DLSU sa showbiz.

“Joining the MYX VJ hunt is my first step siguro to try showbiz. Kung susuwertehin, baka ituloy ko na rin. Pero kung hindi naman, marami pa namang puwedeng gawin. So far, I’m enjoying it. Masaya pala ang showbiz. Ibang-iba sa paglalangoy. Ha-ha-ha!” kuwento ni Mike.

Inamin ng binata na hindi talaga niya inambisyong maging artista at pasukin ang showbiz noon hanggang dumating ang time na kinumbinse siya ng mga kaibigan na mag-audition sa MYX VJ hunt.

“Fascinated ako sa mga artista at ang taas ng tingin ko sa kanila. Parang astig sila na mahirap abutin. Hindi ako nababaduyan sa kanila. In fact, I admire them, kasi parang ang hirap ng ginagawa nila and yet parang simple lang para sa kanila.”

Si Toni Gonzaga ang showbiz crush ni Mike. Gusto kasi niya ang babaing malakas ang sense of humor at kaya siyang patawanin.

“Crush lang naman, eh! Pinapanood ko ang mga movies niya. Kaya lang, taken na siya. Pero okey lang. Basta I just want her to know na crush ko siya talaga,” natatawang hirit ng binata.

Graduate ng La Salle si Mike at ngayon ay nagma-masters na siya.

Kuwento pa ni Mike dati siyang dambuhala as in puwede sa Pinoy Big Loser – sa edad na 11, 200 lbs na siya. Four years ago nang pumayat siya nang husto.

Sa July 27 na gaganapin ang finals night ng MYX VJ Hunt sa The Block, SM North Edsa. Marami ang nag-i-expect na mananalo si Mike.

Para iboto si Mike, i-text ang mYX VJ12 sa 2331 (Globe-Sun) o sa 231 (Smart).
[via]

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES